(Paiiralin ngayong Kapaskuhan) MAS MAHIGPIT NA HEALTH PROTOCOLS

Eduardo Año

MAS magiging mahigpit ang pamahalaan sa pagpapatupad ng  protocols kontra COVID-19 ngayong Kapaskuhan.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, bunsod na rin ng posibleng ganaping mga salo-salo o pagtitipon-tipon.

Ayon kay Año, mas paiigtingin nila ang police visibility habang gagawing mas madalas ang pagpapatrolya ng mga opisyal ng barangay.

Ito aniya ay upang maya’t mayang maipaalala sa publiko ang mga umiiral na minimum health protocols tulad ng physical distancing, palagiang pagsusuot ng facemask at face shield.

Gayundin ang palalahanan ang lahat hinggil sa patuloy na ipinagbabawal sa kabila ng mas maluwag na community quarantine tulad ng mass gathering. DWIZ882

Comments are closed.