PAINTED BAGS NI HEART EVANGELISTA MAHAL PERO DEKALIDAD

heart evangelista

ISA sa negosyo ng aktres na si Heart Evangelista ay ang painted bags na work of art na pinangalanan entra eksenaniya ng Maison Love Marie. Despite the fact na expensive ang designed bag na ibinebenta ni Heart,  marami pa rin ang mga bumibili nito sa kanya dahil sa totoo lang quality naman ang produkto nito. And imagine, ma­ging ang mga kakilala ng kanyang husband na si Sen. Chiz Escudero ay nag-o-order din sa kanya. May balak din ito na magkaroon ng kanyang home line.

“I am working on two major things: my home line with plates and candles, and my clutch line, which is gonna be so nice! I am designing everything and we are making things happen,” pagkukumpirma pa nito.

FILMAKER DIREK REYNO OPOSA MAY GOOD KARMA 

BIKTIMA rin ang Toronto Canada-based director na si Reyno Oposa ng mga tao sa showbiz na mahilig DIREK REYNO OPOSAmaglaro at manulot. Dapat ay si Direk Reyno ang director ng ipo-produce na first movie project ng daughter ng isang high-ranking government official.

Ibinigay na niya ang kanyang story line at nagandahan naman ang tinutukoy nating bagong producer sa advocacy film na gaga-win pero sa isang iglap ay biglang nabago ang plano at nawala na sa eksena si Direk Reyno. Pero instead na mag-shoutout siya sa kanyang Facebook account ay kanyang ipinasa-Diyos na lamang.

Ngayon,  maliban sa vindicated ay good karma ang dumating sa kaibigan naming director na kaliwa’t kanan ang proyektong gagawin sa ilalim ng kanyang Ros Indie Film Production at ilang movie producers na nakipag-ugnayan na sa kanya para sa ididirek na movies. Plantsado na rin ang pagiging recording star ni Direk Reyno kung saan siya ang kakanta ng OST ng kanyang mga pelikula kasama na ang pag-record ng komposisyon ng beteranong komposer na si Jimmy Borja.

PERFORMANCE NINA ARJO AT RIA SA MMK PANG-AWARD; MOMMY SYLVIA PROUD

BUMIDA ang magkapatid na Ria at Arjo Atayde ng bumida noong Sabado sa “Maalala Mo Kaya” na angarjo and ria kuwento ay tungkol sa illegal mining sa Sibuyan Island sa Romblon. Umpi­sa pa lang ay ipinakita na nina Ria (Rosedel) at Arjo (Manong Armin) ang husay nila sa pag-arte sa mga ginampanang character.

Palaban sa sakim at ganid na mining company na gustong mag-mina sa kanilang isla si Manong Armin na hindi pumayag na masira ang kagandahan ng kanilang lugar. At hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga ay kanyang ipinaglaban ang kanilang bayan. Grabe, panay ang agos ng aming luha sa eksenang habang pinipigilan ni Arjo ang tauhan ng mining company na huwag ng ituloy ang pagmimina kung saan siya nabaril ng taong ito ng walang kalaban-laban. Pagbagsak ng kanyang katawan at pag-agos ng dugo sa lupa ay mararamdaman mo na totoong-totoo ang pagpaslang kay Arjo. Ang intense ng acting niya na kanyang-kanya lang.

Maging si Ria ay naipakita ang pagiging born actress na namana siyempre nila ni Arjo sa kanilang Mommy Sylvia Sanchez na very proud sa ipinakita nilang performance sa MMK. Napaka-natural umarte ni Ria at ang galing-galing niya sa ending ng kanilang MMK episode habang kinokompronta ang mga minero sa pagpatay sa kanyang Manong Armin.

I’m sure sa husay ng magkapatid ay malamang na dalawa silang magkakaroon ng acting nominations.

Comments are closed.