MARAMING ‘di makapaniwala sa pagkatalo ng Rain or Shine Elasto Painters laban sa GlobalPort Batang Pier kamakalawa ng gabi sa Araneta Coliseum. Sa 4th quarter lang humabol ang tropa ni coach Pido Jarencio. Si Jonathan Grey ang pumatay sa RoS sa malakas na bombang pinasabog nito sa three-point territory na nagbigay ng momentum sa kampo ng Batang Pier.
Kulang na lang ay halikan ni coach Jarencio si Grey dahil sa pagsalba nito sa team na nagkaroon pa ng buhay para makapasok sa semis. Kinakailangang talunin pa ng isang beses ang Elasto Painters para makapasok sila sa semifinals.
Hindi binigyan ng pagkakataon ng Alaska Aces na muli nilang makalaro ang Magnolia Hotshots. Bagkus ay tinapos na nila ang laban sa Hotshots upang makausad na sa semifinals. Sana naman sa pagpasok ng Aces sa semis ay bigyan na ng pagkakataon ng management si Calvin Abueva na makapaglaro sa team. Siyempre ay iba rin kapag may Abueva.
Maglalaban-laban ang mga champion team sa 9th Governor David Suarez intertown basketball tournament sa pagitan ng Lucena City at ng Infanta sa July 18 sa Quezon Convention Center sa ganap na alas-5 ng hapon. May 39 municipalities at 2 key cities ang lalahok sa naturang tournament, at may limang champions sa bawat district. Ito ay ang 1st district champion-Infanta, 2nd district-Lucena City, 3rd district-San Francisco, 4th district-Atimonan at ang 5th district-Polillo.
Ayon kay Gov. Suarez ang kadahilanan sa pagbuo ng basketball tournament ay upang ma-develop at ma-train ang local players ng Quezon, at makabuo sila ng competitive team upang makalahok sa malalaking liga tulad ng Maharlika Cup o D-League. Higit sa lahat ay ang makapagpasaya ng kanyang mga kalalawigan sa mga idinaraos ng road games at matuon ang pansin ng mga kabataan sa sports para makaiwas sa ipinagbabawal na gamot.
Ang nasabing paliga ay sa ilalim ng pamumuno ng Quezon Provincial Sports Office ni coach Jonas Guiao at inihahandog ni Governor Suarez.
Muling nasungkit ni Myla Pablo sa ikalawang pagkakataon ang MVP sa PVL o Philippine Volleyball League. Ibig sabihin ay mahusay itong si Pablo. Sa pagpili kay Myla ng PVL bilang MVP ay lalong naging kuwestiyonable sa mga follower niya kung bakit hindi siya nasama sa lineup ng Philippine team gayong deserving siyang maging parte ng national team. Bakit kaya? Nagtatanong lang naman, congrats Myla Pablo.
Comments are closed.