NANINIWALA si ASEAN Business Advisory Council for the Philippines Chairman Joey Concepcion na ang estratehikong partnership ng publiko at pribadong sektor ay mahalaga sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain sa Southeast Asian region, sa gitna ng mga hamon na dulot ng pagbabago ng klima at pagkagambala sa global food and supply chain.
Sa isang televised briefing, binanggit ni Concepcion ang regional initiative na tinatawag na ASEAN Food Security Alliance, na gumagamit ng mga mapagkukunan at kadalubhasaan ng pribadong sektor upang matulungan ang maliliit na magsasaka sa buong rehiyon.
“So we’re forming these countries to come together and help on ensuring that within these countries, lahat ay umahon dito sa agrikultura. And some of these countries are really good ‘no, and we are also good in certain food crops.
“And if we’re able to this within ASEAN, the ten countries, we may be self-sufficient and tulung-tulong na lang iyan,”ani Concepcion.
Umaasa si Concepcion na ang ASEAN Food Security Alliance ang magiging ‘legacy project’ ng bansa habang naghahanda ang Pilipinas na maging host ng ASEAN Summit sa 2026.
Nagsimula nang makipagtulungan ang Pilipinas sa Laos, Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Cambodia sa inisyatiba upang matiyak ang food security sa rehiyon.
Sunod naman ay sa Thailand at Vietnam, Cambodia.
Titingnan aniya kung saan compatibility at interes mula sa mga nasabing bansa.
EVELYN QUIROZ