PAKIKIPAG-USAP KAY ROBREDO AT PACQUIAO, KINUMPIRMA NI ISKO

KINUMPIRMA nitong Lunes ni Manila Mayor Isko Moreno na naki­pag-usap siya kina  Vice President Leni Robredo at Senador Manny Pacquiao kasabay rin ng panunumpa sa kanya ng  Liberal Party stalwart at  Caloocan second district Rep. Edgardo Erice at anim pang  Caloocan Councilors bilang bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko kung saan si Moreno ang Pangulo.

Tumanggi si Moreno na idetalye ang kanilang napag-usapan  nina Pacquiao at Robredo dahil aniya hindi pa maaaring sabihin sa kasalukuyan, gayunman bukas naman aniya ang kaniyang tenga sa lahat ng mga naniniwala sa kanyang pananaw at paniniwala.

“We’re trying to reach out to each and everyone. Ako naman meron ako tengang lagi na puwede makinig e. Wala naman masamang  makinig.  I confirm there was a meeting and hopefully there will be more meetings na puwede naming pag-usapan ang mga bagay-bagay,” dagdag pa niya.

Kapwa winelcome nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagpasok ni Erice sa kanilang partido at sinabing magiging asset ito dahil sa kanyang  track record sa public service. Si Erice ang pinunuo ngayon ng Aksyon Demokratiko Caloocan Chapter. VERLIN RUIZ

5 thoughts on “PAKIKIPAG-USAP KAY ROBREDO AT PACQUIAO, KINUMPIRMA NI ISKO”

  1. 776761 988414Hello there, just became alert to your blog through Google, and found that it is actually informative. Im gonna watch out for brussels. Ill be grateful in the event you continue this in future. Several individuals will likely be benefited from your writing. Cheers! 950077

Comments are closed.