NANINIWALA si Senator -elect Robin Padilla na ang pakikipagdebate sa asawa at pakikipag-usap ng Ingles sa mga anak ang maghahanda para sa mga deliberasyon sa Senado.
Ito ang naging biro ni Padilla ukol sa bago niyang posisyon bilang senador.
Ani Padilla, 100 porsiyento na siyang handa para sa Senado.
Hindi naman binanggit nito kung ano ang mga pinagdebatehan nila ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez.
Kumpiyansa ang 52 anyos na bagong senador na magagampanan niya ang trabaho bilang isang mambabatas. Aniya, handa itong matuto kaya magiging madali ang lahat.
“If only they would let me assume office now, I am ready. I am used to having debates everyday, only it’s with my wife,” sinabi ni Padilla. LIZA SORIANO