PALABANG ROXAS VANGUARDS ISASABAK NI LAURE SA VISMIN CUP MINDANAO LEG

on the spot- pilipino mirror

HINDI pahuhuli ang Vanguards ng lalawigan ng Roxas sa Zamboanga del Norte na sasabak sa Mindanao leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas Vismin Super Cup sa pangangasiwa  ni homegrown star Eddie Laure.

Ipinanganak at lumaki sa Dipolog, dangal ang nakataya para sa 43-anyos sa pagbuo ng palaban na koponan sa pagtataguyod ni team owner Mayor Jan Hendrik Vallecer, na kababata at malapit na kaibigan ng dating PBA star.

“Unang-una kasi taga-dito ako. Pangalawa, ‘yung team owner namin magkaibigan kami,” pahayag ni Laure.

“Siyempre, gusto ko rin dito muna mag-stay habang pandemic tapos na-timing na nagbuo siya ng team. Ako ‘yung tinawagan ni-ya at hindi na ko nagdalawang-isip na kunin ‘yun,” aniya.

Ito ang kauna-unahan ni Laure bilang head coach ng isang professional team, ngunit hindi na siya bago dito  dahil may experi-ence na siya kung saan naging assistant siya sa University of Santo Tomas at University of the East sa UAAP; Jose Rizal University sa NCAA at Team Laguna sa MPBL.

Personal niyang pinili at kinuha ang serbisyo nina 6-foot-4 bruiser Chito Jaime at 6-foot-3 Leo Najorda para maging pundasyon ng koponan sa paglarga ng kauna-unahang professional basketball league sa South.

“Malaking factor ‘yung Najorda at ‘yung Jaime dahil tinitingala sila ng mga bata,” pahayag ng dating Most Valuable Player ng nabuwag na MBA.

Kinuha rin niya sina guard JK Casino, Arellano Chiefs transferee Jordan Sta. Ana, Lester Reyes, Jordan Intic, Joshua Templo, Marr Rifarial, RJ Deles, James Castro, Francis Camacho, at Roy Velasco. Nasa koponan din sina 6-foot-8 Fil-Libyan Seraj Elmejrab. Nakapaglaro si Elmejrab sa Laguna Pistons sa NBL-Pilipinas.

“Sa amin kasi, iniingatan naming kumuha ng players. Ayaw natin mahaluan ng players na hindi sumusunod sa sistema. Wala rin kaming star players,” pahayag ni  Laure.

Katuwang niya sa paggawa ng programa sina assistant coach Edsel Vallena, Crisalde Reliza, Anthony Lopez, Garry Dulanas, Bert Tacorda, at Jhon Marmeto.

“Yung team namin, kailangan sama-sama talaga, depensa muna bago ang opensa. ‘Yung team namin lalaban ng palitan ng mukha. ‘Yan ‘yung pinaghahandaan namin,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Vallecer na malaking bagay sa lalawigan kung maging kampeon sa liga, ngunit kumpiyansa siya na sa pangunguna ni Laure, hindi man makamit ang minimithing pangarap, sapat na ang matikas na pagtatapos para sa koponan.

“Gusto talaga ni Mayor na mag-champion. Sabi ko nga, umpisahan muna natin sa practice at kung ano outcome nito, dun natin malalaman kung saan tayo makakarating,” sambit ni Laure.

Wala pang opisyal na napiling host para sa Mindanao leg at ang opening na nakatakda sana sa Mayo 30 ay iniurong sa Hunyo 12 bilang bahagi ng pagpapatupad ng safety and health protocols laban sa COVID-19.

5 thoughts on “PALABANG ROXAS VANGUARDS ISASABAK NI LAURE SA VISMIN CUP MINDANAO LEG”

  1. Hi I am so excited I found your blog, I really found you by mistake, while I was
    browsing on Aol for something else, Nonetheless I am here now and would just like to say thank you for a marvelous post and a all round thrilling blog (I also love the theme/design), I don’t have time to go through it all at the minute but I have book-marked it and also included your RSS feeds, so when I have
    time I will be back to read a lot more, Please do keep up
    the great work.

  2. 61459 162016Youre so cool! I dont suppose Ive learn anything like this before. So nice to find any person with some authentic thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this web site is something that is wanted on the internet, someone with a bit bit originality. beneficial job for bringing something new to the web! 530801

Comments are closed.