NILINAW ng manager ni Maine Mendoza na hindi nagli-live in ang tinaguriang Dubsmash Queen at ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.
Napuno na kasi si Rams David (manager ni Maine) sa mga haka-hakang galing sa netizens at sa mga isyung ibinabato sa kanyang alaga at isa na rito ang pakikipag-live in umano kay Arjo.
Say ni Rams, may sariling bahay si Maine at walang dahilan para magsama sila ni Arjo sa isang bubong.
Hirit pa niya, konserbatibo pa rin daw si Maine at isang dalagang Filipina.
Dagdag pa niya, traditional daw si Maine at maraming residential properties na pagmamay-ari kaya wala sa bokabularyo nito ang pakikipag-live in. May sarili rin daw itong bahay, condo at iba pang properties sa Bulacan.
Tungkol naman sa relasyon nina Maine at Arjo, hindi raw niya ugaling
MR. GAY WORLD PHILIPPINES JANJEP CARLOS ADVOCACY ANG MENTAL HEALTH
HAPPY ang Kabitenyong si Janjep Carlos dahil siya ang napiling kinatawan ng bansa sa prestihiyosong pageant na Mister Gay World 2019 na gaganapin sa Cape Town, South Africa sa darating na Mayo.
Sey pa ni Janjep, kinakabahan siya dahil napakalaking kompetisyon daw ang sasalihan niya.
“I’m going to give my best shot,” sey niya.
Rigid din daw ang ginawa niyang workout to stay physically fit for the pageant.
“I really focused on my diet and workout because we know the competition there is very tight… So it’s a big challenge for me,” aniya.
Bago pa rito, itinanghal na Mister Fahrenheit si Janjep kung saan tinalo niya ang iba’t ibang kandidato mula sa buong bansa.
Napabilib din niya ang mga hurado sa kanyang advocacy.
“My advocacy is to promote mental health. I want to promote illness to wellness campaign because depression is real…and I believe one of the important tools to fight depression is keep yourself busy and channel one’s attention into something worthwhile,” sey niya. “I hope to carry this advocacy in the international level. And I hope the global community will support me in my advocacy of #IllnessToWellness,” dugtong niya.
Tulad ng dating Mr. Gay World winner na si John Raspado, bentahe ni Janjep ang kanyang ‘international appeal.”
Ang Mr. Gay World Philippines Organization ay license holder para sa Pinoy delegate para sa Mr. Gay World kung saan ang dating pageant holder turned business man na si Wilbert Tolentino ang national director.
Ang Mr. Gay World Philippines Organization (MGWPO) ay isang non-profit organization na layuning isulong ang makatao at makatarungang pagtrato ng LGBT community sa buong mundo.
Dagdag pa rito, isinusulong din nito ang HIV/AIDS awareness and assistance programs.
Comments are closed.