“SISIHIN niya ang sarili niya at huwag ang Presidente.”
Ito ang buwelta ng Malakanyang sa panawagan ng pinatalsik na Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw sa puwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
“Sa akin po, wala na pong ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili lang niya dahil wala naman pong ibang may kasalanan sa kanyang pagpapatalsik kung hindi ang sarili niya,” wika pa ni Presidential Spokesman Harry Roque.
“However, the former top magistrate has been engaged in grandstanding and seeking media coverage, pointing an accusing finger at President Duterte for the result of the quo warranto petition filed against her,” ang sabi pa ni Roque sa kanyang statement.
Sa isang forum ng mga abogado kamakalawa ay tahasang hinamon ni Sereno ang Pangulong Duterte na mag-resign dahil naniniwala ang una na may kinalaman ang chief executive sa pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng quo warranto petition.
Mariing iginigiit ni Sereno na ang Pangulong Duterte ang nasa likod ng ruling ng Korte Suprema.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na siya ay magbibitiw kung may makapagpapatunay na nakialam siya sa pagpapatalsik ng punong mahistrado.
“We consider this unfortunate for the truth is, four other fingers point to her. Ex-CJ Sereno should closely look at the mirror to see who is behind the Supreme Court ruling. She herself violated the Constitution by not filing her SALN (statement of assets, liabilities and net worth), and she herself managed to alienate her own colleagues at the High Court,”dagdag ni Roque.
Sinabi ni Roque na walang anumang nilabag ang Pangulong Duterte sa Saligang Batas na magsisilbing rason upang siya ay magbitiw o matanggal sa puwesto.
“Unlike the former Chief Justice, PRRD (Duterte) enjoys high satisfaction, approval, performance, and trust ratings from the Filipino people,” giit pa ni Roque.
Sa botong 8-6 ay pinatalsik ng kanyang mga kapwa-mahistrado si Sereno bilang chief justice sa pamamagitan ng quo warranto petition na isinampa ni Solicitor General Jose Calida. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.