Naglabas ng Memorandum Circular 76 ang Malacanang na nagdedeklarang walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa lahat ng antas sa lungsod ng Pasay at Maynila sa Lunes, Enero 13.
Ang deklarasyon ay ginawa sa harap ng nakatakdang peace rally ng Iglesia ni Cristo na inaasahang dadagsain ng mga miyembro nito.
Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga pribadong kompanya kung susundan ang deklarasyon at suspendihin din ang pasok ng kanilang mga empleyado.
Ang Memorandum Circular 76 ay nilagdaan araw ng Biyernes, Enero 10, 2025 ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Pinamagatang “Pambansang Rally para sa Kapayapaan” inaasahang dadagsa ang kapatiran sa Quirino Grandstand.
Samantala, makikiisa rin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinangungunahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa nasabing peace rally.
Sa isang pahayag mula sa KOJC, sinabi nilang kinikilala ni Quiboloy ang hakbang ng INC para ipunin ang milyong katao, kasama na ang iba pang mga grupo.
ALIH PEREZ