PALASYO NAGPASALAMAT SA SERBISYO NI PERNIA

Ernesto Pernia

NAGPAABOT ng taos-pusong pasasalamat ang Malakanyang kay dating National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia.

Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Pernia dahil sa personal na dahilan at aniya’y pagkakaiba nila ng philosophical development ng ilang kapwa niya miyembro ng Gabinete.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpapasalamat ang Malakanyang sa mahahalagang naging kontribusyon ni Pernia sa ekonomiya ng bansa.

Aniya,  inaasahan naman ng Palasyo na ipagpapatuloy ni acting Director General Karl Kendrick Chua ang mga nasimulan na ng dating kalihim.

Inaasahan din ng Palasyo ang koordinasyon ni Chua sa iba pang miyembro ng Gabinete  para maihanda ang Filipinas sa itinuturing na ngayong ‘new normal’ at mapaagan ang naging epekto sa socioeconomic ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. DWIZ 882

Comments are closed.