MAY sapat na suplay ng pagkain sa mga grocery at palengke kaya hindi dapat mag-panic buying ang publiko.
Ito ang binigyang-diin ng Malakanyang makaraang ibalik sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at mga karatig lalawigan – Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal – mula Agosto 4 hanggang Agosto 18.
“Well, mga kababayan, wala pong dahilan para po tayo ay mag-panic buying. Unang-una, ito pong pagsara natin muli, ito’y katugunan natin doon sa kahilingan ng ating mga frontliner na kinakailangan lang nila ng break. Ibig sabihin po, wala talaga tayong planong mag-lock down. Ang ating supply po’y napakataas. Ang ating supply po ay na-deliver na po sa ating mga supermarket anticipating na mas mataas po ang demands, so mas marami po talagang stocks ang ating mga supermarket,” wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Ayon pa kay Roque, localized lockdown lang naman ang ipatutupad sa ilang lugar.
“Huwag po kayong mag-alala. Kung natuloy po ang orihinal na plano, localized lockdowns lang po dapat ang nangyayari. Handa po ang mga supermarket na magbenta para sa mas malaking demand. Hinay-hinay lang po. No need to panic,” sabi pa ni Roque.
Ang Metro Manila at ¬ilang lalawigan ay ibinalik sa MECQ bilang tugon ng gobyerno sa panawagan ng mga medical frontliner na magkaroon muna sila ng break dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19. Pilipino MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.