PALASYO UMAASANG MAS MARAMING SCHOOLS ANG MAGBUBUKAS

Cabinet Secretary Karlo Nograles

UMAASA ang Palasyo na mas maraming eskuwelahan ang magbubukas para sa limited face-to-face classes sa ilalim ng Alert level 2.

Mula Pebrero 1 hanggang 15, ang Metro Manila, Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan ay sasailalim sa Alert Level 2.

“So, now na there are several provinces, including NCR, that is already on Alert Level 2, then we hope to be able to see a more, you know, an expansion on the number of schools, public schools that already can do the face-to-face classes upon the assessment of Department of Education (DepEd) pati ng Department of Health (DOH),” ayon kay Cabinet acting Presidential spokesperson Secretary Karlo Nograles.

Aniya pa, maaari na ring magbukas ang mga pribadong eskuwelahan ng in-person classes.

“That being said, ‘yung mga private schools na gusto na rin magsimula ng face-to-face classes, especially in the Alert Level 2 are­as, can now begin ma­king their representations with the Department of Education para mabigyan din sila ng pahintulot ng DepEd na mag-face-to-face classes na rin sila,” dagdag ni Nograles.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawak ng physical classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2.

Nagsimula ang pilot run ng DepEd ng in-person classes noong Nob­yembre 15, 2021 at natapos noong Disyembre 22, 2021. LIZA SORIANO