NANANAWAGAN ng kooperasyon ng publiko ang Palasyo ng Malakanyang at huwag maging pabaya at patuloy na sumunod sa mga inilatag na health protocols.
Ang pahayag ng Palasyo ay bunga ng pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall at nagdulot ng matinding trapik sa mga lansangan nang simulan nang isailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.
“We advise the public not to be complacent and to follow health protocols set by authorities after we received reports of people who trooped to the malls with complete disregard of social / physical distancing measures on the first day of our shift from enhanced community quarantine to modified enhanced community quarantine and general community quarantine in Luzon,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Roque, idineklara ang MECQ para unti-unting pasiglahin ang ekonomiya.
Sinabi pa nito na dapat maunawaan ng publiko na kasisimula pa lamang ng unti-unting pagluluwag sa quarantine upang mapasigla ang ekonomiya, at hindi dahil tayo ay ligtas na sa virus.
“We must learn from other countries like South Korea, which contained the spread of the virus but later experienced a spike in COVID-19 cases when citizens became relaxed,” pahayag ni Roque.
Hindi aniya dapat mauwi sa wala ang pagsisikap ng lahat at sakripisyo. “Stay at home, go out to do essential work or when authorized as we ramp up testing. We must continue to be vigilant of the risks of COVID-19, conduct proper hygiene, wear face mask or face shield, and observe social or physical distancing,” dagdag pa ni Roque. PILIPINO MIRROR Reportorial Team
Comments are closed.