PALAWAN AANGAT SA TURISMO

Palawan Governor Jose Alvarez

NANGAKO si Palawan Governor Jose C. Alvarez ng ‘economic renaissance’ ng lalawigan na nakatakdang mahati sa tatlong probinsiya, na angkop sa isang plataporma ng turismo at magpapababa sa 26 porsiyento ng kahirapan mula sa dating 60 porsiyento.

Ang pagtiyak na ito ni Alvarez ay ginawa  sa kanyang inaugural address makaraan ang  oathtaking   ng mga bagong halal na opisyal  ng mga munisipalidad  ng Palawan sa Citystate Asturias Hotel.

Inihayag din nito  ang pagtatayo ng apat na regional airports sa lalawigan na maaring maghatid ng  limang mil­yong turista  at money in circulation na aabot sa 250 bilyon.

Sinabi nito na  bumaba ang insidente ng kahirapan  ng  four percentage points  sa 56 percent simula nang umupo ito  sa kanyang Partido ng Pagbabago.  Sa tourism target na limang milyon na  maa­ring makuha sa   pagtatayo ng mga impraestruktura katulad ng regional airports sa Coron, Balabac, San Vicente at Taytay,  positibo ang go­bernador na makakamit ang target  at  ito ay maghahatid ng paglago ng ekonomiya at magkakaloob ng trabaho sa lalawigan.

Nangako rin si Alvarez na malalagpasan ang  bilang ng mga turista sa Cebu na nasa 7.5 mil­yon  at mapapataas ang per capita income ng lalawigan  na  dikit sa Malaysia  na 27,000 Malaysian ringgit  o P250,000.  Positibo itong makakamit  lalo na  sa pagkakaroon ng Ro-ro projects  kung saan maaring  bumiyahe ang mga turista ng by land mula Mindoro at Batangas.

“I can welcome se­nior citizens from Palawan who can use the Ro-ro and treat them to coffee in Makati,” pahayag ng gober­nador,  sa planong  pagtatayo ng mga impraestruktura sa lalawigan.

“Lahat tayo damay damay,” dagdag pa nito kaugnay sa  pagtatatag ng tatlong lalawigan sa  Palawan: ang Palawan de Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur, na magi­ging mother pro­vince  batay sa nakasaad sa RA 11259 na nilagdaan ng Pangulong Duterte noong Abril 5, 2019.

Nakatakdang magdaos ng plebisito  sa Mayo 2020 para sa ratification  ng planong tatlong lalawigan.

Ayon pa kay Alvarez,  ang tatlong lalawigan ay maaring kumita sa IRA ng P6 bilyon  na maaring ma­gamit  sa programa para sa pagpapababa ng kahirapan sa Palawan. Ang target poverty reduction  na 26% ay hindi umano imposible dahil ang bilang ng mga turista ay aabot na sa 2.5 mil­yon, mula sa 300,000 mga turista nang magsimula ang kanyang termino.

Mayroon ding paglago sa  lalawigan mula sa negative 1.6 percent sa  kaagahan ng kanyang termino  noong 2013. “As you can see, the party  has changed the face of Palawan,” pahayag nito, at nangako na  magiging tuloy tuloy na ang paglago ng ekonomiya rito.