KRITIKAL ang lalawigan ng Palawan sakaling magkaroon ng giyera sa West Philippine Sea.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang talumpati kamakalawa sa pagdiriwang ng kauna-unahang Subaraw Bio-diversity Festival sa Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa Pangulo, tiyak na mapupunta sa Palawan ang mga lalampas na mga bala mula sa mga sasakyang pandigma dahil ito ang isla na pinakamalapit sa West Philippine Sea.
Inulit ng Pangulo na hindi kaya ng Filipinas na makipagdigma sa ibang bansa.
Sa kabila nito ay sinabi ng Pangulo na hindi siya papayag na lagyan ng anumang mga armas na pandigma ang Palawan sakaling nais ng ibang bansa na makisali sa tensiyon sa West Philippine Sea.
Comments are closed.