ININSPEKSYON nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang naval facilities sa Oyster Bay, Palawan.
Sa opisyal na pahayag ng AFP, layunin ng pagdalaw nina Teodoro at Brawner ay para i-assess ang development ng naval facilities na kritikal para sa pagpapalakas ng paninindigan at depensang panlabas ng Pilipinas.
Ang nasabing pasilidad ng AFP kasama ang iba pang mga proyekto sa Balabac, Palawan ay kabilang sa priority projects na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang mas lalong mapalakas ang external defense capabilities ng bansa.
Itinuturing ng AFP na mahalaga ang mga nasabing pasilidad at krusyal sa external defense para protektahan ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ang Balabac ay target na maging operating base ng Philippine Air Force (PAF) para sa air defense capabilities ng bansa.
Kumpiyansa ang dalawang opisyal na ang kanilang hakbang ay pagpapakita ng commitment ng DND at military organization upang mapalakas ang military infrastructure ng Pilipinas at matiyak ang proteksyon ng soberanya ng bansa sa gitna ng mga hamon sa pambansang seguridad.
Habang bahagi rin ng pagpapataas ng morale at suporta para sa mga sundalo ang pagbisita ng kanilang mga superior at malaman ang kanilang lagay gayundin ang kanilang kailangang kagamitan.
EUNICE CELARIO