PALAY HARVEST TATAAS

POSIBLENG lumawak ang total harvest area para sa palay sa buong bansa ng halos 32,000 ektarya sa first half ng taon na magreresulta sa pagtaas ng national rice production ng 1.2 percent, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pagtaya ng PSA, ang total palay harvest area ng bansa ay aabot sa 2.13 million hectares para sa January-June period ngayong taon, mas mataas ng 31,960 ektarya o 1.53 percent sa 2.1 million hectares noong nakaraang taon.

“Harvest area is the actual area, where a crop like palay was or will be harvested during a reference period,” paliwanag ng PSA.

Sa pagtaya pa ng statistics agency, ang palay harvest ng bansa ay papalo sa  8.67 million metric tons (MT) sa first half ng taon, mas mataas sa 8.57 million MT first-semester harvest noong nakaraang taon.

Sinabi pa ng PSA na ang January-June harvest areas ay magiging mas malaki ngayong taon sa karamihan sa mga rehiyon sa bansa kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang mga rehiyon na tinatayang magkakaroon ng mas malaking palay harvest areas sa first semester ng 2018 ay ang Central Lu-zon (326,889 hectares), Calabarzon (59,623 hectares), Mimaropa (125,797 hectares), Bicol (178,418 hectares), Western Visayas (241,873 hectares), Central Visayas (48,490 hectares), Zamboanga Peninsula (73,541 hectares), Davao (51,101 hectares), Soccsksargen (146,121 hectares), Caraga (91,796 hectares), at Autonomous Region of Muslim Min­danao (93,469 hectares).

Mula Enero hanggang Hunyo 2017, ang harvest areas sa nasabing mga lugar ay mas maliit, na may sukat na 322,734 hectares sa Central Luzon; 56,589 hectares sa Ca­labarzon; 118,806 hectares sa Mimaropa; 177,949 hectares sa Bicol; 232,039 hectares sa Western Visayas; 48,357 hectares sa Central Visayas; 70,338 hectares sa Zamboanga Peninsula; 48,549 hectares sa Davao; 145,047 hectares sa Soccsksargen; 87,335 hectares sa Caraga; at 91,932 hectares sa ARMM.   (PNA)

Comments are closed.