HINDI na palalawigin ang May 10 deadline para sa pamamahagi ng local government units ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
“‘Yan po ang pahayag ni Secretary [Eduardo] Año na hanggang bukas (ngayon) na lang ang deadline na ibinigay ng DILG,” wika ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya.
Pinalawig ni Año ang deadline ng distribusyon ng cash subsidy sa Mayo 10 mula Mayo 7 sa harap ng mga problemang kinaharap ng mga lugar na may malaking populasyon, kabilang ang National Capital Region, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, and Cebu at Davao City.
Sa kabila nito, nagbabala si Año na bbigyan ng show cause order ang LGUs na mabibigo pa ring makatugon sa May 10 deadline.
Samantala, sinabi ni Malaya na umabot na sa 85.49% ang cash distribution sa buong bansa.
Ayon sa DILG official, ang Caraga Region ay nagtala ng f100% payout rate, habang ang Bicol Region ay may 99.79% at ang Cordillera Administrative Region ay may 93.92%.
Para sa Metro Manila, ang payout rate ay nasa 75.62% hanggang alas-9 ng gabi noong Biyernes.
Sa Metro Manila ay pinuri ni Malaya ang mga lungsod ng Caloocan, Paranaque, Mandaluyong, Marikina, at Pasig na may pinakamataas na payout rates na 95.15%, 91.28%, 88.48%, 86.64%, atb85.56%, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Comments are closed.