PINALAWIG ng hanggang Disyembre 15 pa ang pamamahagi ng mga fuel subsidy card na nagkakahalaga ng P5,000 sa mga drayber at opereytor ng mga pampasaherong jeep.
Ayon sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), palalawigin ang deadline na nakatakda sana hanggang kahapon, Nobyembre 29 para mabigyan ng pagkakataon ang mga drayber na makuha ang kanilang fuel card.
Magkakaroon pa ng pagkakataon ang mga ito na makapagsumite ng mga kompletong dokumento para makuha ang kanilang cards.
Umaabot sa 180,000 kuwalipikadong humawak ng prangkisa na drayber at opereytor at tinatayang nasa 66,000 ang nabigyan ng fuel cards simula nang ipamahagi ito buwan ng Setyembre.
Nanawagan ang LTFRB na kunin ng mga drayber at opereytor ang kanilang fuel cards para makuha ang fuel subsidy para sa 2018.
Sa proyektong ito sa tulong ng Department of Transportation, P5,000 fuel voucher ang ipagkakaloob sa mga kuwalipikadong jeepney operators, na tulong ng gobyerno laban sa pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo. NENET V
Comments are closed.