PAMAMARIL SA BRAZIL AT FRANCE SINUSURI KUNG MAY PINOY NA BIKTIMA

pamamaril

PASAY CITY – PATULOY pang inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung mayroong Filipino na nadamay sa pamamaril sa Brazil at France.

Sa ulat sa Brazil, may lima katao ang nasawi at apat ang sugatan nang mamaril ang isang lalaki sa isang simbahan sa Campinas City.

Direktang binaril ng suspek ang apat na nagsisimba at saka binaril ang sarili sa harap ng altar.

Apat na may edad na ang malubhang nasugatan habang ang suspek ay sabay na pinaputok ang dalawa nitong baril na bitbit.

Sa France, umabot na sa apat ang nasawi sa Christmas marker shooting sa Strasbourg.

Labindalawa naman ang sugatan sa nasabing shooting incident. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.