PAMANGKIN NG GF NI JANG LUCERO NATAGPUANG PATAY

babae patay

LAGUNA – TAHIMIK na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lalawigang ito ang pagpaslang kay lady carpool driver na si Jang Lucero habang pinaghahanap pa ng Laguna Provincial Police Office ang mga dumukot sa lover ng biktima na si Meyah Amatorio.

Isang araw makaraang dukutin si Meyah at pamang­kin na si Adrian Ramos ay natagpuan itong wala nang buhay sa Calamba, malapit sa lugar kung saan natagpuang patay si Jang Lucero.

Una nang dinukot umano ng hindi nakikilalang lalaki si Meyah, 24-anyos at Adrian, 23-anyos, sa Brgy. Calo, bayan ng Bay kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ni Provincial Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran, alas-12:20 ng hapon base sa ulat nang biglang dumating sa lugar ang dalawang suspek na may bitbit umanong Court Order kaugnay ng kasong kinakaharap ni Adrian habang aktong nasa loob ang mga ito ng kanilang tirahan.

Kinaladkad ang mga biktima papalabas ng kalsada kung saan doon naman naghihintay ang tatlong sasak­yan na SUV saka tulungang natangay ng nasa sampung lalaki.

May ulat na itinuturo si Meyah na may kinalaman sa pagpatay sa kanyang lover na si Jang Lucero noong Hulyo. DICK GARAY

Comments are closed.