PAMBATO NG PH SA MISS INTERNATIONAL, FIRST RUNNER-UP

Ahtisa Manalo

NAKUHA  ng pambato ng Filipinas sa Miss International 2018 pageant ang first runner up, sa patimpalak na ginanap sa Tokyo, Japan kahapon.

Nauna rito ay nakatanggap na ng mga congratulatory messages sa social media  si  Ahtisa Manalo  nang makapasok ito sa Top 15  mula sa halos 80 katunggali sa  nasabing patimpalak mula sa iba’t ibang bansa.

Ang 21-anyos na si Ahtisa ay tubong Quezon.

Nakuha naman ni Mariem Claret Velazco Garcia ng Venezuela ang korona ng Miss International,  se­cond runner-up si Miss South Africa  habang sina  Miss Romania  (third runner up) at Miss Colombia (fourth runner-up).

Nakapag-uwi na ang Fi­lipinas  ng kabuuang anim na korona mula sa nasabing beauty contest.

Si Kylie Verzosa ang huling Pinay na nagwagi ng titulo noong  2016.Kabilang sa mga Filipina titleholder ng Miss International ay sina  Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

Samantala, kaabang-abang din ang kapalaran ng Pinay na si Katarina Rodriguez na sasabak sa Miss World sa darating na Disyembre 8 sa China.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang isang Miss World crown ang bansa sa pamamagitan ni Megan Young. CNN Philippines