MULA sa bayan ng Quirino ang itinanghal na “Queen Isabela 2020’’ na si Bb. Rosean Camille Fernandez, 20-anyos, at empleyado sa Mandaluyong City.
Bilang premyo, nakamit ni Fernandez ang P50,000 cash, trophy at iba pa habang ginanap ang coronation sa Isabela Sport Complex, Ilagan City.
Pinangunahan ni Board Member Abigail Sable, Provincial Treasurer Maria Teresa Araneta Flores katuwang si Queen Isabela 2019 Maria Angelica Dominguez, Ramon, Isabela ang pagbibigay ng titulo sa itinanghal na Queen Isabela 2020.
Bukod pa sa Queen Isabela 2020 ay nakamit pa rin niya ang titulong People’s Choice Award na may 24,875 votes o 32.72% na text votes.
Samantala, itinanghal na Queen Isabela Tourism 2020 si Myra Yzabelle April Rola, 19-anyos, ng Saranay, Aurora, 5’10 ang taas at nag-aaral sa Saint Louis University na tumanggap ng P30,000 at trophy.
Queen Isabela Culture & Arts 2020 naman si Kimberly Jane Acob, 21-anyos, residente ng San Andres, Cabatuan, 5’7 kawani ng local government unit ng nasabing bayan, na nag-uwi ng P20,000 at trophy.
First runner up si Vjie Matias ng Sandiat East, San Manuel, Isabela na nag-uwi ng P15,000 at trophy at nakuha rin niya ang special award na Best in Casual Wear na may kasama ring trophy at P10,000.
Second runner up naman si Mary Alexandra Wu ng Arellano, Quezon na nag-uwi ng P10,000 at trophy at nakuha rin ang Miss Photogenic na may kasamang trophy, P10,000 at ang kanyang winning portrait.
Ang mga natatanging hurado sa ginanap na Queen Isabela coronation night ay sina dating beauty queen Maxine Medina, actor Ryan Agoncillo, Engr. Danilo Pagsambugan, Leonardo Preza, Arnel Papa, Dr. Antonio Mendoza, Freddie Brindoque, Abigail Tuscano, Albert Andrada, at Pichie Veneracion. IRENE GONZALES
Comments are closed.