IGINIIT nina Senador Cynthia Villar at Win Gatchalian na makatutulong ang rice tariffication bill sa mamamayan sa harap ng tumataas na inflation rate o presyo ng mga bilihin.
Sagot ito ng dalawang mambabatas sa pangamba na papatayin ng rice tariffication bill ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Ipinaliwanag ni Villar na daan ang rice tariffication bill para maisulong ang pagmomodernisa ng pagsasaka para maging self-sufficient ang bansa sa bigas.
Base sa panukala, papatawan ng 35 porsiyentong duty ang bigas mula sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 50 porsiyento naman sa mga bansang hindi kasapi.
Ayon naman kay Senador Gatchalian, sa 35 porsiyento na tariff rate ay makatitipid ng P13.41 kada kilo ng bigas ang bawat pamilya.
Nasa P30.02 kada kilo lang ang halaga ng bigas mula sa Thailand, habang P28.59 kada kilo naman ang presyo ng Vietnamese rice.
Mas mura ang mga ito kumpara sa halaga ng bigas sa Filipinas na umaabot na sa P42 kada kilo. VICKY C.
Comments are closed.