PAMIMIGAY NG FOOD PACKS, PINAMAMADALI NG DILG

Food Pack

NAGBIGAY ng katiyakan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na makararating ang tulong sa lahat ng mga nasa ilalim ng lockdown dulot pa rin ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang naging pahayag ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na sa ngayon ay inuuna na nila ang pamamahagi ng food packs matapos ulanin ng tuligsa ang ilang local government units (LGUs) hinggil sa makupad na kilos na hindi maramdaman sa kanilang lugar ang pamamahagi ng tulong partikular ang mga pagkain habang naka-home quarantine ang mga tao.

Ipinaliwanag ni Malaya, mayaman man o mahirap ay handang tulungan ng gobyerno sa gitna ng kinahaharap na krisis sa bansa.

Paglilinaw pa ng opisyal, uunahin pa rin na mabigyan ang mga mahihirap na pamilya dahilan sa sila ang higit na nangangailangan ng tulong.

BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.