NAG-SHOPPING NG BOTO KALABOSO

vote buying

QUEZON – SWAK sa kulungan ang isang lalaki na isinuplong na namimili ng boto sa palengke sa Barangay Castillo, sa bayan ng Pagbilao.

Sa ulat na nakara­ting sa PILIPINO Mirror, kinilala ang inaresto na si alyas Ray habang nakatakas ang dalawa nitong kasamang babae.

Sa report ni Quezon- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) PFU CHIEF, PMaj. Eliot Eusebio,  nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na mayroong nagsasagawa ng vote buying sa palengke kaya ru­mesponde sila.

Naaresto nila si Rey na may dala pang baril  habang nagsasagawa ng pamimili ng boto.

Kasalukuyang nakakulong si Rey sa CIDG custodial facility at sinampahan na ito ng mga kasong Violation of RA 10591 o Illegal Possession of Firearm and Ammunitions at Batas Pambansa  881 o Vote Buying. BONG RIVERA

Comments are closed.