PANAHON NG TAG-INIT SIMULA NA–PAGASA

taginit

NAKATAKDANG ideklara ng Philippine Atmospheric, Geo­physical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang opisyal na pagsisimula ng panahon ng tag-init.

Ito ay dahil na rin umano sa patuloy na epekto ng El Niño sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay Dr. Analiza Solis, climate monitoring chief ng Pagasa, nasa 80-porsiyento na tatagal hanggang Hunyo ang tagtuyot na tumama na sa 16 na lalawigan.

Subalit, may ilan ding mga pag-aaral na nagsasabing mararanasan pa hanggang Hulyo o Agos­to ang El Niño.

Matatandaan na ikalawang linggo ng Abril noong 2018 nang ideklara ng Pagasa ang pagsisimula ng summer season sa Filipinas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.