PINANGUNAHAN ni Revenue District Officer Rufo B. Ranario ng Valenzuela-Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paglulunsad sa “Pananaw 2020: Mahusay na Serbisyo, Ramdam na Pagbabago” kasunod ng flag raising ceremony noong Marso 2.
Sinabi ni Ranario, layunin ng bagong tax campaign theme, alinsunod sa gabay ni BIR Commissioner Caesar Dulay, na ma-inspire ang mga tauhan ng Revenue District Office No. 24 gayundin ang lahat ng sangay ng kawanihan at maging ganado sa pagseserbisyo.
Aniya, magreresulta ng maganda ang mahusay na serbisyo at kapag naramdaman ng mga nagbubuwis ang pagbabago ay tiyak na kanilang makakamit ang target ngayong taon.
Noong 2019 ang naging tema ng BIR para sa kanilang kampanya ay “Para Sa Inyo, Maging Tapat Tayo- Serbisyong Tapat, Buwis Na Sapat” na naging epektibo naman sa kanilang koleksiyon.
Panauhing pandangal sa unang flag raising ceremony ng RDO No. 24 para ngayong buwan ng Marso sina Ricardo Yu, Past President ng Valenzuela Chamber of Commerce at Board Member, Chairman Tax and Business Advocacy Committee ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. at Mr. Arnold Cabiltis ng Arca Group at miyembro ng Valenzuela Chamber of Commerce.
Kapwa nagbigay ng mensahe ng suporta sina Cabiltis at Yu para sa mga tauhan ng BIR Valenzuela.
“I’d like to congratulate BIR-Valenzuela for good performance last year, I hope this year will be another fruitful year,” ayon kay Yu.
“Rest assured po, from business sector, we are in full support sa inyong target, katulong ninyo kami sa pag-unlad ng bansa,” ayon naman kay Cabiltis.
Inihayag naman ni Januario Girang III, Chief, Assessment Section (CAS) na naging aktibo ang kanilang reinforcement activities kung saan pinaigting nila ang Oplan Kandado program na nagresulta ng pagpapasara ng limang pagawaan.
Aniya, maaga nilang na-detect ang mga kompanyang may violations dahil maaga silang kumilos at umaasa ngayong taon ay makakamit nila ang kanilang tax goal.
FEBRUARY 2020 TAX COLLECTION SUMAMPA SA P371,983,494.22
Sa datos naman na na-obtain ng PILIPINO Mirror kay Ranario, nakalolekta ng P371,983, 494.22, as of March 2, para sa February 2020 ang BIR-Valenzuela na mas mataas ng 22.52 percent o P68,364,302.02 kumpara sa P303,619,192.20 noong February 2019.
Naniniwala si Ranario na epektibo ang ginagawa nilang reinforcement actitivies gaya ng Oplan Kandado program dahil nararamdaman ng mga tax payer ang kawanihan na dapat ipatupad ang batas sa pagbubuwis.
Nakatanggap ang BIR-RDO No. 24 sa pangunguna nina Ranario, ARDO Adora Ambo at Girang ng Certification of Recognition (COR) na pirmado nina Ma. Gracia Javier, Regional Director (RR-5) at V.C. Cadangen, Asst. Regional Director; na may petsang Enero 21, 2020, mula sa Regional Program on Rewards, Awards and Incentive for Service Excellence (PRAISE) Committe bilang 1st Top Revenue Distric Office ang RDO No. 24.
Ang pagkilala sa Valenzuela BIR ay bunsod ng paglampas ng kanilang koleksiyon sa target goal para sa December 2019. EUNICE C.