NAGPROTESTA ang mga driver sa Dinagat Island, Surigao Del Norte, upang manawagan sa gobyerno na magkaroon ng Private Emision testing center sa kanilang lugar matapos na ipasara nito ng DOTr sa hindi malamang dahilan. Ayon kay Celso Suqiub, pangulo ng mga Tsuper sa Dinagat Island, Surigao Del norte, nanawagan sila sa LTO at kay Pangulong Duterte na magkaroon ng emision testing dahil kung hindi sila makapag-renew ng kanilang mga sasakyan ay huhulihin naman sila.Masyado na umanong perwisyo sa kanilang mga driver dahil para ma-renew lamang ang kanilang mga sasakyan ay kailangan pang itawid sa dagat patungo sa ibang bayan para roon magpa emision test.