(Panawagan ng biz groups sa gov’t officials) MAKIPAGTULUNGAN SA IMBESTIGASYON NG SENADO

medical supplies

NANAWAGAN ang ilang business groups at unibersidad sa mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng overpriced na medical supplies.

“We call on lawmakers, members of the executive department, constitutional commissions and, if they are brought in, members of the judiciary to conduct their proceedings with integrity, transparency, and respect, and in compliance with our laws and established procedures,” pahayag ng mga business group sa kanilang joint statement.

Kabilang sa mga grupong ito ang Bishops-Businessmen’s Conference, Financial Executives Institute of the Philippines, Investment House Association of the Philippines, Judicial Reform Initiative, Management Association of the Philippines, Makati Business Club at Shareholders Association of the Philippines, Ateneo de Manila University, Ateneo de Naga University, Ateneo de Zamboanga University, Xavier University-Ateneo de Cagayan, De La Salle University at De La Salle Philippines.

Dagdag pa ng grupo, kailangang makipagtulungan ang mga sangkot sa nasabing imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

“Our frontliners and the Filipino people deserve a full and fair accounting.”  LIZA SORIANO

Comments are closed.