MAHIGPIT na pinababantayan ng isang kongresista sa Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga isda, gulay at iba pang pangunahing bilihin ngayong Semana Santa.
Ayon kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee, bagama’t natural ang pagtaas ng presyo ng gulay at isda tuwing Holy Week, dapat pa ring magpatupad ng mas mahigpit na pagbabantay ang dalawang ahensiya lalo na ngayong linggo.
Kaugnay nito, iminungkahi ng mambabatas ang paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.
Umapela rin si Lee na palawakin pa ang price monitoring ng DA sa provincial at regional level para hindi lamang sa Metro Manila nababantayan ang presyo ng mga bilihin.
DWIZ 882