PANAWAGAN SA DOTr, LTO: EMISSION TEST SUSPENDIHIN

EMISSION TEST

NAGHAIN ng resolusyon ang isang Mindanaoan congressman na nananawagan sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na suspendihin muna ang requirement na pagsalang sa emission testing ng mga sasakyan bago maiparehistro.

Sa House Resolution No. 1007, binigyang-diin ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na bunsod ng COVID-19 pandemic, labis na naapektuhan ang pang-araw-araw na buhay ng lahat ng Filipino, kabilang ang mahigit  sa 11 milyong  motor vehicles owners.

“As a result of lockdowns and quarantines in many parts of the country, most transactions with the government were halted, such as the registration of vehicles,” pahayag pa ng mambabatas, na siya ring chairman ng House Committee on Constitutional Amendments.

Sa pagluwag naman ng quarantine restrictions, sinabi ni Rodriguez na dumagsa ang mga nais na magparehistro at base sa nakalap niyang impormasyon ay tambak ang pila sa iba’t ibang emission testing centers pa lamang.

“To address this problem and to make registration easier for vehicle owners, the DoTr and the LTO should suspend the emission testing requirement until Dec. 31, 2020,” dagdag ng House panel chairman.     ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.