(Panawagan sa DSWD) KATUTUBO AYUDAHAN

Eufemia Cullamat

HINIMOK  ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan

din ng tulong ang mga katutubo sa mga malalayong lugar.

Ayon kay Cullamat, maraming mga kababayan na kabilang sa indigenous group ang malayo ang nilalakbay makakuha lamang ng ayuda mula sa DSWD.

Bukod dito, marami pa rin aniyang mga katutubo ang hindi naaabutan ng tulong ng gobyerno na nagkakasakit na dahil walang makain at walang trabaho.

Hindi rin maasikaso ng mga indigenous people ang kanilang mga sakahan dahil sa umiiral na enhanced at general community quarantine.

Nanawagan si Cullamat sa DSWD na huwag i-discriminate ang mga katutubo at bigyan naman sana ng tulong sa ilalim ng special amelioration program (SAP) ang mga ito kahit hindi kasama sa nakarehistro sa barangay.

Punto ng kongresista, maraming mga katutubo ang sadyang malalayo sa bayan o sa mismong barangay at kulang sa kaalaman kaya hindi rin nagawang makapagparehistro. CONDE BATAC

Comments are closed.