KUMPIYANSA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) na malabong makalusot ang pandaraya sa bilangan sa mano-manong halalan pambarangay at Sangguniang Kabataan sa Lunes.
Sinabi ni Eric Jude Alvia, Secretary General ng Namfrel, marami ang magiging observer sa manual counting ng mga balota sa halalan.
Bawat partido ay pinahihintulutan na magkaroon ng isang kinatawan sa loob ng presinto sa oras ng bilangan batay sa alituntunin ng Commission on Elections (Comelec).
Tig-isang observer naman mula sa Namfrel at kapareho nitong tagapagbantay sa eleksiyon na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).
Tutok din ang Namfrel sa mga mangangampanya sa araw ng eleksiyon at mga mamimigay ng campaign materials sa loob at malapit sa mga presinto na mahigpit na ipinagbabawal. PAUL ANG
Comments are closed.