PANEL NA TUTUTOK SA COVID-19 NEW VARIANT BUBUUIN

Pangulong Rodrigo Duterte-3

BUBUO si Pangulong Rodrigo Duterte ng panel na  tututok lamang sa COVID-19 new variant makaraang mapaulat ang pagdiskubre nito sa United Kingdom at sa iba pang mga bansa.

“I would suggest that we create a panel whose job could be only to observe the different progression and the identification of the new strain,” sabi ng Pangulo

“Nakatutok lang ito sa mga countries, lahat tinamaan ngayon eh. But magtutok tayo dito sa countries where we think that there is a spike and especially dito sa atin and we would know that” wika pa ng Pangulo.

Naniniwala ang Pangulong Duterte na bagamat wala namang naiuulat pa sa bansa na COVID-19 new variant ay mas makabubuting maging handa ang gobyerno sa pagpapatupad ng mas pinahigpit na border control, surveillance, at enhanced monitoring ng mga kaso sa bansa.

“Ang ano talaga dito is surveillance. The only way that we can be prepared, not avoid. We cannot avoid it but be pre-pared to confront the new virus if we know in advance how it will progress in coming into our country.” giit pa ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, maganda ang ipinakikitang pagiging transparent ng mga bansang apektado ng COVID-19 cases at maging ang kanilang mga variants na nakikita.

“The only thing really that is good about this contagion is that every country is telling — is transparent, telling the truth,” dagdag pa  ng Pangulo.

Ang COVID-19 new variant ayon kay Heath Secretary Francisco Duque ay unang naiulat sa United Kingdom ay mas mabilis na makahawa at unti unti nang kumakalat sa bandabg Southeast Region nito.

Sinabi ni Duque na ang unang kaso na natukoy mula sa bagong variant ay noong September 20 pa at base sa December 13 report, nasa 1,108 na indibidwal sa England ang may COVID hango sa variant na ito..

Ang ibang mga infectious COVID-19 variant ay natukoy rin sa Japan, Canada, Singapore at Australia. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.