BUMAGAL ang inflation para sa isda at iba pang seafood commodities sa 7.2 percent noong Agosto mula 9.2 percent noong Hulyo, ayon sa datos na inilabas kamakailan ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Bumaba rin ang national food inflation sa 6.5 percent noong nakaraang buwan mula sa 7.1 percent noong Hulyo.
Ayon pa sa datos ng PSA, ang inflation para sa isda at iba pang seafood commodities ay bumaba rin mula 8.4 percent sa 5.5 percent sa naturang mga buwan.
Kabilang sa mga salik na itinuturo sa pagbagal ng inflation para sa isda at iba pang seafood commodities ay ang pagbaba ng presyo ng langis, isang commodity kung saan umaasa ang fisheries sector, lalo na sa panghuhuli ng mga isda.
Sa unti-unting pagbaba ng presyo ng langis ay mas maraming fishers ang nakakapangisda.
Ikinatuwa ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang positibong kaganapan na ito at nangakong gagawin ang lahat para matiyak ang sapat na suplay ng isda sa merkado at mapanatiling matatag ang presyo nito sa mga darating na buwan.
Ina-upgrade ng ahensiya ang mga programa nito upang ma-maximize ang potensiyal ng fisheries resources ng bansa, mapataaa ang produksiyon, at matiyak ang sapat na suplay ng isda sa bansa.
“Part of the program which the Bureau is set to implement to boost production without raising production cost is the improvement and expansion of the utilization of Fish Aggregating Devices (FADs) in strategic fishing areas in the country. FADs, a technology that attracts high-value fish species, also provide fishers with a precise fishing area, effectively cutting down production costs including fuel consumption,” sabi ng DA-BFAR.
Nakahanda rin ang ahensiya na linangin pa ang aquaculture subsector sa pag-upgrade sa National Fish Broodstock Development Program at isama ang high-value marine species tulad ng “siganids”, snappers, pompano, groupers, at seabass.
“Through this program, more Filipino fisherfolk will be able to locally source out quality fry or fingerlings at an affordable rate,” ayon pa sa ahensiya.
PNA