TINUPAD ni Senador Bong Go ang kanyang pangako na magkakaroon ng taas-suweldo ang mga kawani ng gobyerno kabilang na ang mga nurse at mga guro.
Si Sen. Go ang naghain ng Senate bill 1219 o Salary Standardization law na naging ganap na batas matapos pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte nitong Enero 8.
“Lubos po akong nagpapasalamat, una sa Panginoon dahil dininig niya ang aking panalangin na sana ay suportahan ng aking mga kasamahan sa Senado ang panukalang batas na ito,” ani Sen. Go.
Sinabi ni Sen. Go na taos puso rin siyang nagpapasalamat sa kapwa niya senador dahil kaagad nilang inaprubahan ang nasabing bill at hindi na natengga pa sa plenaryo.
Ang Salary Standardization Law ay panlimang salary increase na ng mga empleyado ng gobyerno na ibibigay sa apat na installment simula ngayong taon hanggang 2023 na aabot sa P34 bilyon ang guguguling pondo kada taon.
Ang dagdag na sahod ay isa lamang sa campaign promise ng senador mula sa Davao City na ngayon ay nagkaroon na ng katuparan.
Sa pagpasok ng bagong taon ay sinabi ni Sen. Go na tututukan niya ang pagbibigay ng salary increase sa mga kawani ng gobyerno na kanya namang ginawa.
Comments are closed.