PINAWI ng mga eksperto sa industriya ng langis ang pangamba sa nakaambang pagtaas na naman ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa susunod na linggo ay posible umanong matapos na ang serye ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Dahil ito sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel sa unang tatlong araw ng trading.
Gayunman, ayon kay Danny Alabado ng PTT Philippines Trading Corporation, wala pa rin namang kasiguruhan kung magtutuloy-tuloy ang pag-taas ng presyo ng langis dahil sobra sobra pa rin ang supply ng langis sa world market.
Apatnapu’t pitong sentimo (P0.47) ang itinaas ng presyo ng gasolina sa trading mula Lunes hanggang Miyerkoles samantalang sampung sentimo (P0.10) naman sa diesel.
Comments are closed.