PANGANGAILANGAN NG STUDES SA NEW NORMAL IPINASAALANG-ALANG

SEN BONG GO-2

UMAPELA si Senador Christopher ‘Bong Go’ sa sektor ng edukasyon na isaalang-alang ang maraming bagay sa paglilipat sa online platforms kaugnay sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ipinaliwanag ni Go, hindi lang ang kakayahan ng  gobyerno  na mag-adjust  sa new normal  kundi dapat ding tignan ang kapasidad ng mga estudyante  sa “new norm of education” o ang online education.

Ayon kay Go, hindi lang ang pag-iisip kung paano makapag-aaral ang mga estudyante ngayon kundi kung paano silang mabubuhay sa pang-araw-araw na pangangailangan kung saan marami sa mga nasa kolehiyo ang nagtatrabaho rin habang nag-aaral.

Iginiit pa ng senador, ang paninindigan nito na “no vaccine, no face to face traditional classes” sa mga eskuwelahan  tulad din ng  posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito, pare-pareho namang  batid  ang kahalagahan ng  edukasyon pero mas mabuti  na unahin muna ng lahat ang “right to live” dahil mawawalan ng saysay ang lahat kung magkakasakit naman ang mga estudyante.

Dagdag pa ni Go, hindi dapat biglain at ipilit ang pagbabalik sa normal ng  mga klase  dahil buhay ng mga bata ang  nakataya. VICKY CERVALES

Comments are closed.