NAPAKASAYA ni Ara Mina dahil sa wakas, natupad rin ang kanyang pangarap na makapagsoot ng trahe de boda at magmartsa patungo sa altar. Napakaganda ni Ara sa kanyang pangkasal. Nagniningning ang mga soot niyang alahas. Talagang yayamanin, dahil ang napangasawa niya ay isang undersecretary.
Pero kahit wala ang mga alahas at magarang trahe de boda, talaga namang maganda siya. Sumikat siya nang pasukin niya ang magpaseksi sa pelikula. Mga sikat na mga aktor ang kanyang nakapareha, at milyones ang bayad sa kanyang mga endorsement.
Hindi maipagkakailang marami ang nabighani sa kanya, ngunit maraming beses din siyang nasaktan. May isang aktres pa ngang abot-langit ang galit sa kanya. Inakusahan siyang third party sa kanilang hiwalayan.
Pero, maliit lang ang daigdig ng syobis. Nagkaayos naman sila eventually, pero muli siyang nasangkot sa kontrabersiya. Engaged to be married si David Almarinez nuon kay Rina Navarro — isang businesswoman at founder ng isang Women’s Organization kung saan member niya si Ara. Parang pelikula ang nangyari. Hindi natuloy ang kasal nina Rina at David, at mismong si Rina ang nakabuking sa isang birthday party na karelasyon ng kanyang jowa si Ara. Gan’un talaga ang kapalaran sa pag-ibig. Minsan iiwan ka, minsan ikaw naman ang mang-iiwan.
Tatlong taon na ang nakalipas. Ngayon ay Mrs. David Almarinez na si Ara. Kahit mayroon na siyang Amanda Gabrielle na anak niya sa dating karelasyong si Patrick Meneses, feel pa rin niyang magkaanak. Yes, kahit 41 na si Ara, gusto pa rin niyang bigyan ng kapatid si Mandy.
Kitang kita sa kislap ng mga mata ng mga bagong kasal na masayang-masaya sila sa kanilang pag-iisang dibdib.
By the way, humanga at namangha ang marami sa generous birthday gift ng aktres sa kanyang publicist na isang brand new car.
Second time na niya itong ginawa. Wow! Gusto ko rin tuloy maging feeling close kay Ara. Siya na ang pabolosa.
ROBIN PADILLA ATRAS SA POLITIKA
Maugong kamakailan ang balitang kasama si Robin Padilla sa senatorial slate ng isang political party. Hindi nagsalita ang aktor tungkol dito. Naghahanda na sana ang kampo ng actor, pero nagulat siya nang malamang kailangan pala niya ng campaign money na P150M, para lang sa kanyang kandidatura bilang gobernador ng Camarines Norte.
Aba, nag-usap sila ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez. Sa laki nga naman ng gagastusin sa kampanya, baka pati ang kanyang bahay at lupa, ay maibenta. Baka rin pati ang iba pa nilang pinagkakakitaan ay magamit din sa eleksiyon. Kaya nagdesisyon ang mag-asawa na na hindi na tatakbo bilang gobernador o kahit pa anong posisyon si Robin.
“Gusto kong magserbisyo sa aking mga kababayan, pero kung gan’un kalaki ang gagastusin, hindi na lang,” ani Robin. “Hindi ko mababawi ang gagastusin ko.”
Kaya siguro maraming halal na politiko ay nagiging korap. Yun lang kasi ang paraan para mabawi nila ang kanilang ginastos sa eleksiyon. E hindi ganoon si Bi-noe. Oo, kilala siyang matulungin sa syobis. Marami siyang binigyan ng tirahan, lalo na ang kapwa niya Muslim. Handa siyang tumulong, pero may pamilya siyang sinusuportahan at iyon ang dapat niyang i-secure bago ang iba.
Pero kung mismong si PRRD kaaya ang kumulit sa kanya para tumakbong senador, magdalawang isip kaya si Robin? Yan ang magandang abangan.
514534 456358Stay up the great work! 877086