NAPILITANG magsagawa ng maagang pag-aani ng kanilang mga produkto ang ilang magsasaka sa lungsod ng Urdaneta bunsod ng nararanasang malakas na pag-ulan.
Ito ang naging dahilan kaya’t nagkaroon ng napakaraming supply ng mga gulay sa pamilihan dahilan ng pagbaba na rin ng presyo.
Nabatid na nagiging problema ngayon ng vegetable farmers ang kakulangan ng mga buyer sa mga naaning gulay.
Samantala, posibleng magtagal ang mababang presyuhan ng gulay hanggang sa Ber months.
Ang pagbabago ng panahon ay nakaaapekto sa pag-aani ng pananim na gulay at pagdedeliber ng mga ito. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.