ILULUNSAD ng pamahalaang Isabela ang “1 million tree in one day project’’ sa Disyembre 20 makaraang maantala ito dahil sa malawakang pagbaha sa Isabela.
Ang pagtatanim ng milyong puno ay atas ni Isabela Governor Rodolfo Albano III.
Aniya, dapat ay sama-samang magtanim ang mga mamamayan ng nasabing lalawigan upang makamit nito ang target na isang milyong puno sa loob lang ng isang araw.
Sa pahayag ni Media consultant ng provincial government Romy Santos, itutuloy ang naantalang pagtatanim ng isang milyong puno ay nararapat nang maisakatuparan upang masawata ang malawakang pagbaha sa Isabela kapag muling dumalaw ang bagyo gaya ng bagyong Tisoy.
Kabilang sa matinding naapektuhan ng Bagyong Tisoy ang Ilagan City, Isabela at mga karatig na bayan ay binaha.
Ang nasabing proyekto ng provincial government na naantala na hindi natuloy noong Disyembre 6, 2019, ay hindi na idedeklarang special non-working holiday ng butihing punong lalawigan, isasagawa ang nasabing aktibidad sa Northern Sierra Madre, Natural Park, Sitio Lagis, Sindon Bayabo, Ilagan City, Isabela, sa mga Universidad ng Isabela.
Dahil sa naitakda ang buwan ng Disyembre 20, 2019 sa Christmas break ng mga mag-aaral, gayunpaman nagpahayag ang punong lalawigan na magkaisa ang mga mamamayan ng lalawigan ng Isabela sa Disyembre 20, taong kasalukuyan na magtanim ng mga puno upang makamit nito ang target na isang milyong puno na maitanim sa isang araw.
Isinasagawa na ang puspusang paghahanda nang pamunuan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO)-Isabela, sa milyong bilang ng mga buto na itatanim para sa nakatakdang aktibidad ng pamahalaang panlalawigan. IRENE GONZALES
Comments are closed.