PASAY CITY – PANIBAGONG 15 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumikas sa Tripoli bunsod ng patuloy na labanan doon ng Libyan National Army at government forces.
Dahil dito, umabot na sa70 Filipino ang lumikas sa Libya simula ng labanan noong Abril.
Kabilang naman sa mga lumikas pauwi sa Filipinas ay limang kabaaan at dalawang Islamic scholars.
Noong Mayo 1 ay itinaas ang crisis alert level 4 sa Tripoli na nangangahulugan ng mandatory evacuation.
Sa pahayag ni Charge d’Affaires Elmer Cato na pauwi na ang 15 Filipinos na tumakas na daraan sa Tunis kung saan sila may connecting flight sa Manila sa pamamagitan ng pagdaan sa Dubai.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs, mayroon pang 1,000 Filipino workers ang nasa Libya.
Muli namang nanawagan si Cato sa mga OFW doon na tanggapin ang alok ng gobyerno na repatriation program dahil lalo pang lumalala ang labanan sa Tripoli. EUNICE C.