(Panukala ng MMDA para maibsan ang bigat ng trapiko) OFFICE HOURS SA GOV’T BAGUHIN

ISINUSULONG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalit ng office hours sa mga nasa gobyerno sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, uubrang magsimulang mag-operate ang ilang ahensiya  ng gobyerno ng alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon para mabawasan ang bigat ng trapiko tuwing rush hours.

Inirerekomenda rin, aniya,  ang 4 day-work week na may 10 oras na trabaho kada araw.

Ipinabatid ni Artes na sumulat na sila kay Civil Service Commission (CSC) Chairman Carlo Nograles bago sila makipagpulong dito para tutukan ang kanilang rekomendasyon.

Una nang inihayag ni Artes na sobra-sobra na ang bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila. DWIZ 882