PANUKALANG PAGTATAYO NG KLINIKA PARA SA MENTAL HEALTH, PASADO NA SA KAMARA

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso ang panukalang pagtatayo ng klinika para sa kalusugang pangkaisipan na kauna-unahan sa bansa.

Pumabor sa botong 196, wala isa man ang kumontra o kahit na nag-abstain nang ipasa sa Mababang Kapulungan nito lamang Lunes ang House Bill 9980 na ipinanukala SJDM Rep. Florida “Rida” P. Robes na magtayo ng isang klinika para sa kalusugan ng isip na popondohan at pamamahalaan ng pamahalaang lungsod, katuwang ang Department of Health.

Sinabi ni Robes na napapanahon ang pagpapasa ng kanyang panukala sa gitna ng isyu ng napakaraming problemang pangkaisipan sanhi ng pandemyang dulot ng Covid-19.

Maging ang World Health Organization ay binanggit din ang paglobo ng antas ng negatibong epekto ng pandemya sa kalusugan ng isip ng tao sa buong mundo. Sinabi rin ni Prescila Cuevas, pinuno ng National Health Program ng Department of Health na lumaki rin ang bilang ng mga

Pilipinong dumaranas ng problemang pangkaisipan na aabot na sa halos 3.6 milyon.

“Mental health has been widely ignored and less prioritized by the government as our country has been considered one of the poorest in terms of mental health resources. The problem of mental health has even been more pronounced as we encounter the many ill-effects of Covid-19 with the lock-downs and social distancing which have prevented us from being with our friends and engaging in personal interactions and connection with other people,” pahayag ni Robes.

Aniya, sa ilalim ng kanyang panukala ay itatayo ang San Jose Del Monte Mental Wellness Center na magkakaloob ng mga serbisyo kabilang ang pagbibigay ng payo, therapy, pagpapayo sa krisis at panghihimasok, pagbibigay ng gamot, pagsusuri at pamamahala, group therapy, pagpapaalala sa nakaraan, oras-oras na pag-aalaga at iba pang serbisyong may kinalaman sa problemang pangkaisipan.

Magkakaloob din ito ng psychotherapy services sa mga pasyenteng may maraming isyung may kinalaman sa problema sa isip kabilang ang may kahirapan sa damdamin, pagkabalisa at pagkakunsumi, childhood trauma, isyung pang kultura, pagpapalit ng katauhan, depresyon, isyu sa magulang, pandamdamin at pangkatawang problema, pang-aabuso sa loob ng bahay at pamilya at hidwaang pangkasanayan.

Ihahanda naman ng lokal na pamahalaan ng SJDM ang development plan na nakahanay sa Philippine Health Faci­lity Development Plan na iko-konsulta rin sa Department of Health.

Dati nang itinataguyod ni Robes ang isyung may kinalaman sa problemang pangkaisipan kung saan una na niyang itinulak ang pagbuo ng mental health desk sa mga lokal na pamahalaan upang mapagtuunan ng pansin ang lumalalang isyu ng pagkasira ng isip na sanhi ng nararanasang pandemya.

115 thoughts on “PANUKALANG PAGTATAYO NG KLINIKA PARA SA MENTAL HEALTH, PASADO NA SA KAMARA”

  1. 953619 890785Pretty section of content. I just stumbled upon your internet site and in accession capital to assert that I get in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you access consistently quickly. 498234

  2. 351988 6393I merely couldnt go away your web site before suggesting that I in fact enjoyed the standard info an individual offer on your visitors? Is gonna be back frequently so that you can inspect new posts. 872992

Comments are closed.