SI Piolo Pascual na yata ang next big star ng ABS-CBN na lilipat sa kalabang network. Malaki ang posibilidad nito dahil nasa GMA 7 na ang kanyang ama-amahan na si direk Johnny Manahan.
Matatandaang, buwan ng Nobyembre nang matsugi ang Sunday Noontime Live kung saan si direk Johnny ang namamahala. Apat na buwan lamang ang itinagal ng show na ito ng TV 5.
Buhat nang mawala ang SNL, namalagi ang aktor sa kanyang farm-resort sa Batangas. Doon siya namuhay ng simple, sa harap ng mga bundok at dagat na malapit sa kanyang resort.
Of course, “financially well-off” naman siya. Kahit limang taon pa siyang magpahinga, hindi siya magugutom. Sa totoo lang, ang kulang na lang sa buhay niya ay isang babaeng mamahalin at makakasama habambuhay. Mula nang magbakasyon si Papa Piolo sa Batangas, hindi siya napapanood sa telebisyon. Nakikita na lamang siya sa kanyang FB account at sa mga product endorsement.
Pero binasag ni Piolo ang sapantaha ng lahaat na magiging kapuso talent na siya, dahil nuong Linggo, napanood siya sa pre-recorded video sa ASAP na “kapamilya, thank you for continuing to let us be in your homes, through all the different available platforms. As we face a lot of hardships and difficulties this year, your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino. Maraming salamat po. I’ll see you soon,” sabi pa ni Piolo.
Ito na ang katiyakang nananatiling kapamilya talent pa rin si Papa, through hell and high waters. Kaya abangan natin siya sa mga shows ng ABS-CBN.
Mrs. Cavite Universe
Tagumpay ang pagbabalik ni Sarah Javier sa syobis. Masaya na sana siya sa kanyang buhay may-asawa dahil may pinagkakakitaan naman silang sapat para suportahan ang kanilang unico hijo na nag-aaral ng pagpipiloto, pero muling kumaway ang oportunidad.
Produkto siya ng That’s Entertainment. Lumabas siya sa ilang teleserye sa IBC 13 noong kabataan niya, ngunit pagkaraan ng ilang panahon ay nanahimik na ang kanyang showbiz career.
Pero kamakailan, napakinggan sa mga digital platforms ang kanyang tinig. Sa kasalukuyan, may katatapos na pelikulang may pamagat na “Nelia,” tampok sina Wynwyn Marquez at Raymond Bagatsing, at kasama siya sa pelikulang ito.
Siya nga pala, nuong panahon ng pandemya, nakalikha siya ng isang awit na may pamagat na “Ihip ng Hangin.” Akmang-akma ito sa ating mga kababayang nahihirapan sa COVID 19.
Sa ngayon, kalahok siya sa Mrs. Universe Philippines kung saan ire-represent niya ang Cavite.
Para sa aktres/singer-composer, hindi sikreto ang pagpapanatili niya ng kanyang kagandahan at kaseksihan. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang asawa at anak dahil supportive ang mga ito sa kanya. Bilang tulong upang mapanalunan niya ang korona, please follow and share the Mrs. Mrs Universe Philippines page, i-like ang kanyang picture.
Comments are closed.