PAPASOK NA PULIS DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM

TAGUIG CITY – PINANGUNAHAN ni Philippine National Police (PNP)  Chief,  DG Oscar Albayalde ang fool-proof system sa pagsala ng police recruits na hindi daraan sa palakasan at padrino o tinatawag na  “human intervention” of influence peddlers.

Ang panibagong pamama­raan ng pagsala sa mga papasok na pulis ay isinagawa sa pamagitan ng isang ceremonial kick-off para sa Robust Neuro Psychiatric Medical and Dental System (RONMEDDS) para sa mga aplikante at ma-o-obtain sa National Capital Region ­Training Center sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang  RONMEDDS  ay ­unang bugso ng screening process para sa police recruits na naglalayong tiyakin ang mga individual na may good moral character at nasa tamang kaisipan na nararapat sa police service.

Dagdag pa ni Albayalde  na isinagawa nila ang rigid screening process upang matiyak na walang opisyal o politiko na iimpluwensiya para makapasok ang isang nagnanais maging pulis sa PNP.

Ginawa rin ang hakbang makaraang ilang pulis ang nasangkot sa iregularidad habang magugunitang noong isang linggo ay may 100 pulis na umano’y scalawags ang iniharap kay Pangulong R­odrigo Duterte dahil sa iba’t ibang kasalanan.

Paglilinaw pa ni Albayalde na sa ilalim ng RONMEDDS, ang mga applicant ay mananatiling identities anonymous at matutukoy lamang sa bar codes habang sumasailalim sa iba’t ibang recruitment process,  mula sa measurements of height at weight, interviews; mula neuro-psychiatric examina-tion  hanggang medical and agility tests.

“This is to preserve the integrity of the PNP recruitment process and minimize outside influence on behalf of “flawed” individuals,” ayon kay ­Albayalde.

Muling idiniin ni Albayalde na sa rigid recruitment process ay wala nang palakasan kay ninong at uncle o padrino.

“Thus, the PNP is discouraging “well meaning” individuals, both in the public and private sectors, from acting as “padrinos” of police applicants to facilitate their entry into the PNP,” dagdag pa ng PNP chief.  EUNICE C.

Comments are closed.