PAPEL NG MEDIA NIRERESPETO

Sandra Cam

INIHAYAG ni PCSO Director Sandra Cam na aalisin na niya bilang mga respondent ang tatlong mi­yembro ng media na una na niyang sinampahan ng kaso kasunod ng pagdawit sa kanyang pangalan na nasa likod umano ng pagpatay sa vice mayor ng Masbate.

Pahayag ni Cam na ito ang unang hakhang na gagawin ng kanyang kampo sa sandaling umusad na ang pagdinig sa korte.

Dagdag pa nito, na bilang pagrespeto sa kahalagahan ng papel ng media na kanyang nakatulong mula ng magsimula siyang lumutang sa kanyang pagbubunyag ng katiwalian sa gobyerno. ELMA MORALES

Comments are closed.