Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) ang ‘paperless travel procedure’ upang mabawasan ang person-to-person contact dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Immigration Chief Jaime Morente, ipatutupad na lamang ng BI ang digitized arrival cards at records sa mga paliparan.
Kaugnay nito, sinabi ni Port Operations Division Chief Grifton Medina na napatunayan na rin kasing mas epektibo ang naturang hakbang sa mga ikinakasang contact tracing.
Dagdag pa nito, dapat ding ipatupad ng mga airline ang paggamit ng QR codes bilang boarding pass na maari na lamang i-download sa mga mobile devices upang mas mapabilis ang transaksyon at mabawasan ang direct contact sa mga tao. DWIZ882
Comments are closed.